Maraming nangyari, nangyayari at mangyayari sa taong ito. Pero wala na yatang hihigit pa sa karanasan natin ukol sa pagtaas ng presyo ng langis, presyo ng bigas at presyo ng mga iba't-ibang uri ng pagkain. Lahat ng mga tao ay nahirapan dahil naapektuhan ang buying power ng kanilang pera. Ang mga empleyado ng SLU ay hindi immune sa ganitong problema. Tulad ng iba sobrang apektado rin tayo.
Ito na sana ang pagkakataon ng unyon para ipakita ang malasakit nila sa mga empleyado. Gumawa sila ng paraan para mabawasan ang paghihirap ng mga manggagawa. Tulad na lang sana sa pagrerestructure ng ating exemptions sa tax. Alam naman siguro nila ang bagong tax law.
Ito na sana ang pagkakataon ng unyon para ipakita ang malasakit nila sa mga empleyado. Gumawa sila ng paraan para mabawasan ang paghihirap ng mga manggagawa. Tulad na lang sana sa pagrerestructure ng ating exemptions sa tax. Alam naman siguro nila ang bagong tax law.
Pwede namang gawing overtime ang mga substitutions natin para hindi na maisama sa income natin. Exempted na ito sa tax. Mas lalaki ang take home pay natin. Pwede ring tawagin sa ibang pangalan ang Php 12,000 na economic benefit natin. Pwedeng sabihing Php 1,500 nito ay para sa rice subsidy. Tax exempt na agad ito. Yung ibang natitira pa pwedeng sabihing clothing allowance ito at ito ay tax exempt ulit. At least hindi na mababawasan pa ang economic benefit natin sa pagbabayad ng tax. Pati siguro yung 13th month pay natin hindi na mababawasan. Makukuha na natin ito ng buo. Maeenjoy na natin ang pasko at bagong taon dahil me ibibili na tayo ng pang-noche buena at media noche.
Huwag naman sanang idahilan na ito ay hindi pwede o kaya'y labag sa batas dahil pati ang gobyerno ay ginagawa ito. Ang mga increase ng mga empleyado nila ay ibinibilang na bahagi ng COLA para hindi mabuwisan. Hindi naman siguro ito labag sa turo ng simbahan. Kasalanan bang isipin ang kabutihan ng nakakarami? Or are we supposed to suffer?
Mahirap ba gawin ito? Ito ba ay labas sa sinumpaan nilang tungkulin? Political will lang kumbaga.
O baka naman tama yung sinasabi nung sulat na naikalat noong isang linggo...