Sunday, August 3, 2008

The Angst of the Contractual Faculty

A contractual faculty sent an email to the kris at kalasag email address but because of our busy schedule it hasn't been opened and read since April. Posting it in the kris at kalasag blogsite this month is still timely because current contractual faculty members may still have the same sentiments. Hopefully the writer of this email is still employed in the university. Sorry if it took a long time to post it. This is dedicated to all contractual employees... Here it is:
KK
Contractual faculty ako. Matagal na. Di pa ako napepermanent. Eto ang buhay contractual.
Every semester, I have to reapply in the hope of teaching for the term. Every sem, anxious ako kung tatanggapin pa ako sa susunod na apply ko. Lagi ko tinatanong sa sarili kung nagustuhan kaya ng department head at lahat ng kanyang alipores ang pagmumukha ko last sem? Palagi naming ipinagdadasal na sana may magretire o kaya mag-apply na titser sa China at magresign para naman mapermanent na kami. Usually we teach every first sem only but once in a while we also teach during second sem when there are extra loads. Sa summer talagang wala akong load kaya yung naipon ko nung second sem ipang enroll ko muna sa masteral para next sem may edge ako against new applicants. Baka kasi may bagong mag apply na may masteral, tsugi na ako.
Kapag contractual ka, last priority ka sa lahat. Sa classes, sa schedule, sa rooms, sa equipment, at sa faculty table. Sa iyo lahat yung mahirap turuan at magugulong klase. Mga tira-tirang schedule na napagpilian na. Mga extreme schedules gaya ng 7:30 am at 7 to 8 pm, all in the same day, 6 days a week, sa iyo. Pati na rin mga extra at unpaid na gawain gaya ng pagseserve sa chapel during mass, pagkanta at pagsayaw sa mga okasyon, pagkuha ng minutes of the meeting, pagbili ng lunch at meryenda ng department, pagdecorate sa lobby kapag may exhibit. Ang iba kong mga kasamahang contractual, inoobligang magblow out kada semester. Swerte daw kami at natanggap uli sa SLU. Yehey blowout. Naman! Kapiranggot na nga sweldo namin at walang benepisyo, huthutan pa! Lagi kami nasasabihang, "pasensya ka contractual ka e. Bawi ka na lang pag permanent ka na". Kelan kaya yun?

Kapag contractual ka kelangan pakisamahan mo lahat. Kahit napakacorny, napakayabang o napakakulit ng faculty, magpakaplastic ka. Malay mo, next year, sya ang DH. Pero swerte ako dahil ang mga nakasama ko ay mababait at mga propesyonal. Worthy to emulate, ika nga. Di gaya ng ibang mga contractuals na nakasabay ko medyo dismayado sa mga nakasama nila. Ako din nadidismaya. May mga DH at faculty nga kasing imbis na turuan ka, isipin ang kapakanan mo, sila pa magpapahamak sa yo. Gaya nung issue tungkol sa unpaid consultation hours ng CICS, nung inamin nung department head sa comment nya sa post na sya ang nagsabing magsakripisyo mga faculty nya at magrender ng libreng 3 hours a week "for your own good" sabi nya. Anong klaseng DH kaya ito? DH na may problema. Di kaya sya aware na kahit 8 hours ang irender nya as consultation hours every day, bayad sya? Tapos hihingi sya ng sakripisyo mula sa mga faculty nya for 3 hours a week. Buti kaya kung magrender sya ng libreng 3 hours a week din, maglagi sya sa opisina nya ng 51 hours a week bibilib ako. Sir niloloko mo naman faculty mo. Ipahamak ba?
Opo, kahit contractual kami, may isip din kami. Akala kasi nung iba, porke mga bata kami, di umiimik, sunod ng sunod, wala kaming sariling opinion. Nagbabasa din kami ng mga issues lalo na dito sa Kris at Kalasag. Sinusubaybayan namin itong blog na ito. Gaya nung pagcomment comment ng mga supposed "professionals" dito sa blog, (buti tinanggal na, para di putaktihin ng comment itong post ko) napaka unprofessional, mean and vicious. I'm appalled! (Who would say b***ch repeatedly kundi isang b***ch din?) May nagsasabi pa ng bastard! (Sya rin pala yun.) Yung mga comments nyo, reflect on you. Nagpakilala kayo at nagcomment comment kayo ng ganun? Na-obvious tuloy kung ano kayo. When you are supposed to be college instructors, models to us, your yournger colleagues, and to your students? Opinion ko lang naman.
Alam nyo ba na dun sa post ng CICS consultation hours, sa dinami dami ng comment (close to 80), 3 lang na tao ang pinakamadaming comment paiba iba lang ang pangalan. 2 dun nagpakilala, yung isa nag apologize pa at sinabing di na sya makikialam kasi its not proper for his position daw. Pagkatapos na pagkatapos nun, nagcomment din naman uli gumamit lang ang ibang mga pangalan. Di na po ito opinion lang, we have concrete evidence. Our group of contractuals checked out the IP address of each commenter. The IP addresses are unique to the user at hindi ito makakapagsinungaling. Here is what we found: si JR paiba iba din ng pangalan, at napakaraming comment, pansin nyo pareparehong wrong grammar diba. Pati yung isang nagpakilala na natamaan daw ng sinabi ng pastor nya madami ding ginamit na pangalan, 4 to be exact. Ano ka ba? Di ka ba kinilabutan at ginamit mo pa pastor mo? Kahit na nagclose na yung commenting dun sa post na yun, tuloy pa rin ang pagcomment sa ibang posts ng di magagandang salita ng dalawang ito gamit ang iba't ibang pangalan pero pareparehong IP address. At eto ang shocking para sa amin, yung isang post ni Renato Dekartos na may tungkol sa kape, ang IP address na ginamit dun ay pareho sa IP address ni..... hulaan nyo. Tumpak! Isa lang ang ibig sabihin nyan, kayong dalawa lang ang nagsisiraan, naghuhudasan? Kaya pala ganun na lang ang praises nya kay jr, mga praises na wala namang kinalaman sa isyu. At taka rin kami dahil bakit masyado ka nakialam sa issue e hindi ka naman damay? Suspicious character ika nga. (Mula pagiging Viento hanggang pagiging Tabasco) Sinabi mo pa pangalan mo sa blog, tuloy you are a subject for criticism. At tama rin ang aking kasamang F, lalaki lang ang puedeng magsabi ng "Magpakalalaki ka". Lalaki lang ang magaassume na babae lang ang paibaiba ang isip. Napaka gender insensitive mo! Naku, wala nang rerespeto sa mga to. Magpakatao kayo oy! You are the perfect example of hypocrites. Ito lang ang di ko maintindihan, nasa IT kayo, alam nyong mabibisto kayo sa IP address ninyo, nag alias pa kayo.
Minsan, dahil sa napakatahimik namin, akala ng mga kasamahan namin wala kaming naririnig sa mga usap usapan nila. Siraan ng siraan. Pag magkakasama naman parang ang sasaya. Di man lang nila subukang wag iparinig sa amin. Minsan nga pinaguusapan kami nasa parehong kuarto naman kami! Mga mams and sirs, nakakarinig po kami. Kung may mga nakakaalam ng mga sikreto ng ibang faculty, kami yun. Alam namin kung sinong sir ang may STD, sino yung boyfriend o girlfriend na studyante ni mam o sir, yung anomalyang ginagawa ni mam, yung mistress ni sir, yung hininging gamit ni sir mula sa nagcomplete na student, yung inutusan ni mam na estudyanteng magbayad ng bill nya sa beneco, yung pagpalit ni sir ng grade ni miss nat sci, ay madami pa po. Pero kahit ganun, hindi namin ito ipinagsasabi. Pakiusap lang namin sa mga kasamahang faculty, faculty din po kami, propesyonal din. Huwag sana kaming i-underestimate. Sana wag ninyo kami idadamay sa mga away away ninyong wala kami kinalaman. Hirap na hirap na kaming magpabango ng pangalan para sa susunod na sem ma-hire uli kami. Sana ituring nyo kaming mga colleagues nyo rin. Sana mapermanent na kami.