Habang ang karamihan ng mga eskwelahan at mga unibersidad sa bansa, kasama na ang sister school nating University of Saint Louis sa Cagayan at iba pang premyadong catholic universities, ay kumikilos at ipinadarama ang kanilang damdamin ukol sa isyung politikal na mainit ngayon nakakapagtataka na ang mga taga-SLU ay tahimik na nagmamasid lang sa tabi.
Ayon sa isang reliable source, dating aktibista raw ang ating presidente. Ang tanong ko lang po bakit kaya parang iniiwasan nya ang mga isyung politikal na kahit man lang pagusapan sa unibersidad ay di pinapayagan?
Maalala ko na noong kasagsagan ng panawagan ng mga taong magbitiw ang dating pangulong Estrada noong 2001 kaisa ang mga estudyante at mga guro ng SLU na lumabas sa lansangan para iparating ang kanilang saloobin ukol dito. Bakit ngayon tahimik tayo? Ano ang nagbago? Mas malala pa nga ang administrasyong Arroyo. Bakit di man lang tayo kumibo?
Sana ay magising na tayo. Ipakita natin hindi lang sa mga taga-Baguio at buong Pilipinas kundi lalung lalo na sa mga estudyante natin na tayo ay may malasakit sa bayan. Hindi ko naman sinasabing tayo ay magrally rin o kaya'y hingin ang pagbibitiw ng pangulong Arroyo. Kahit man lang sabihin na sinusuprtahan sya. Ang importante ay magsalita tayo.
Kailan natin babasagin ang ating katahimikan? Ika nga ng isang blog dito sa ating site: MGA LOUISIANS MANINDIGAN!