Pag ganitong panahon masaya ang mga bata kasi 2 buwan din silang walang pasok. Pagkatapos ng 1 taon na paghihirap para matuto at makakuha ng mataas na marka kailangan din nilang magpahinga. Nakakapagod din naman magaral. Siguro sa isip nila kulang pa nga ang 2 buwan para gawin ang mga bagay na di nila masyadong magawa kapag may pasok. Ang masaklap nga lang walang allowance. O well... ganun talaga. Di mo makukuha lahat ng gusto mo. Ika nga nila: "You can't have your cake and eat it, too.
Tayong mga magulang, samantala, ay patuloy sa pagbabanat ng buto para matustusan ang mga pangangailangan ng ating mga anak. Buti na lang tayong mga instructors mayroon tayong bakasyon. Iyan ang isang kagandahan sa ating propesyon. Kapag bakasyon ng ating mga estudyante nagbabakasyon din tayo. Iyan marahil ang isa sa mga dahilan kaya pinili natin maging isang guro. Noong ako'y estudyante pa nabasa ko na teaching is a vacation daw. Kaya nga ako naging guro dahil dun. Kaya lang dyslexic yata ako. Noong guro na ako saka ko na lang naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng katagang yun. Di pala vacation kundi vocation pala!!!Hehehe! Joke lang po.Belated April Fools' Day!
Marahil kaisa ko kayo sa ng pagdarasal na sana ay marami ang magenrol para sa summer classes para may load naman tayo. Hindi lang basta may load kundi full load sana. Para naman hindi tayo mamroblema sa budget natin para sa 2 buwan. Madalas kasi na ang mga nakukuha nating sweldo sa summer ay kulang para sa panggastos natin. Kaya madalas din na ang iba ay humihiram ng pera sa SSS o Pagibig o sa 2 ahensyang yun.
Kumusta na kaya yung solusyon sa problemang yun? Maalala ko na may mga isinaad na panukala ang 1 sa mga bloggers dito sa site natin. Naisulat na nya ang mga pwedeng gawin para masolusyonan ang problema. Sana maisakatuparan na ang mga yun ngayong summer term na darating. Para naman maenjoy nating lahat ang summer term na ito at ang mga darating pang summer term.