Wednesday, February 27, 2008

LOUISIAN MANINDIGAN

Sa harap ng mga pagbubulgar ni Jun Lozada tungkol sa ma-anomalyang ZTE-NBN transaksyon, saan lulugar ang mga Louisian? Patuloy bang tikom ang ating mga labi ngunit halos lahat ng mga universidad sa Maynila ay pinagsisigawan ang agarang pagbitiw sa tungkulin ni Gloria Macapagal Arroyo? O tayo ay tatalima na lamang sa pananaw ng mga Obispo ng Simbahang Katoliko na ayaw pababain sa pwesto si PGMA?


Bilang isang mamayang naghahangad ng katotohanan, tayo sana ay makiisa sa mga Pilipinong nagnanais na magbitiw na sa pwesto si PGMA. Na minsan tayo ay nanindigan para sa katotohanan ay isa lamang sa ating mga maipapamana sa darating na henerasyon.
Panahon na...Louisian manindigan!